Almeda Realty and Appraisal Services

Gabay sa Appraisal

Magkano ang appraisal ng lupa o bahay sa Pilipinas?

Ang totoong sagot sa presyo ng professional property appraisal, at kung paano makakuha ng eksaktong quote.

Walang iisang fixed price ang appraisal ng lupa o bahay sa Pilipinas. Ang professional fee ay depende sa uri ng property, laki at halaga nito, lokasyon, at kung para saan ang appraisal. Kaya ang tamang paraan ay magpa-quote muna: ilarawan ang property, at magbibigay ang lisensyadong appraiser ng eksaktong presyo bago magsimula. Sa amin, libre ang quote at walang obligasyon.

By Jose Dante Almeda Jr., PRC Licensed Real Estate Appraiser No. 11261 & Licensed Real Estate Broker No. 33179 · Last updated July 2026

Bakit walang fixed rate ang appraisal

Iba-iba ang trabahong kailangan ng bawat property. Ang simpleng residential lot sa subdivision ay mas mabilis i-appraise kaysa sa farm lot na malayo sa kalsada, sa beach resort, o sa commercial building. Kapag may appraiser na nagbigay agad ng presyo nang hindi man lang nakikita o naitatanong ang detalye ng property mo, nanghuhula lang siya. Ang tapat na appraiser ay nagtatanong muna bago magpresyo.

Ano ang nakakaapekto sa presyo

  • Uri ng property. Mas simple ang bahay at lupa o condo kaysa sa agricultural land, resort, o industrial na property na nangangailangan ng mas malalim na pag-aaral.
  • Laki at halaga. Mas malaki at mas mahal ang property, mas maraming analysis at mas mabigat ang responsibilidad ng appraiser.
  • Lokasyon. Ang property na malayo o mahirap puntahan ay mas matagal i-inspect kaysa sa madaling marating na subdivision.
  • Gamit ng appraisal. Magkaiba ang kailangang dokumentasyon para sa bank loan, sa estate o BIR settlement, at sa kaso sa korte.
  • Gulo ng papeles. Malinis na titulo at malinaw na boundaries, mabilis. May tenancy, agrarian issues, o kulang na dokumento, mas maraming trabaho.

Ano ba talaga ang binabayaran mo

May mga nag-aalok ng murang “desktop estimate” na walang inspection at walang pirma ng lisensyadong appraiser. Ibang produkto iyon. Ang report na pirmado ng PRC-licensed appraiser at ginawa ayon sa Philippine Valuation Standards ay tinatanggap ng mga bangko, ng BIR, at ng korte. Kapag kinuwestiyon ang halaga, may paninindigan ito. Para sa karamihan ng transaksyon, mas mahalaga iyon kaysa sa matitipid mo sa mura pero walang-bisang estimate.

Paano makakuha ng eksaktong quote

Para mabilis kang mabigyan ng presyo, ihanda ang mga ito: ang lokasyon ng property, ang titulo o tax declaration, ang tinatayang laki ng lupa at bahay, at kung para saan ang appraisal. Kapag kumpleto ang detalye, eksakto rin ang quote, at walang gulat sa dulo.

Kung gusto mo ng mas detalyadong paliwanag sa Ingles, basahin ang aming gabay sa property appraisal cost in the Philippines. Si Jose Dante Almeda Jr. ay isang licensed real estate appraiser in the Philippines na naka-base sa Imus, Cavite at sumasaklaw sa buong CALABARZON at Metro Manila. Mag-message para sa libreng quote, o basahin ang tungkol sa aming appraisal service.

Ready to know what your property is worth?

Book a free consultation and get clear, professional guidance.

Scroll to Top
Almeda Realty and Appraisal Services

Almeda Realty and Appraisal Services

PRC licensed Real Estate Appraiser/Broker

I will be back soon

Almeda Realty and Appraisal Services

Hey there 👋

How can I help you today?

Messenger